Ang pagiging POGI ba
para sayo kailangang matalino?
Ang pagiging POGI ba sayo eh dapat marami kang Girlfriends?
Ang pagiging POGI ba
sayo ay kelangan mayaman at ma-impluwensiyang tao?
Marami tayong pwedeng ibigay
na definition ng POGI at maraming lalaki gustong maging POGI sa mata ng ibang
tao, di ba? :) plastik ka kung I de-deny mo to,hehe
Gusto ko malaman mo
na Poging Pogi ka sa mata ni Lord, napakagandang lalaki mo because you are
made by His image and likeness at maniwala ka man o hindi , totoo yun
binigyan lang kasi ng mundong 'to ng standard ang pagiging Pogi.
Recently meron akong nabasang
napakagandang libro by Ardy Roberto at kung
hindi mo kilala si sir Ardy Roberto siya ang husband ni Miriam Quiambao at ang
title ng book ay"Real Men are
POGI" I'm so blessed na binigay sakin 'to ng kaibigan ko at
sobra natuwa ako sa title at nakaka-curious talagang basahin.
Then nung binabasa ko na ito
hindi ko na siya mabitawan dahil sobrang ganda nung mga informations na
na-share ni Mr Ardy Roberto , kasi ang libro ay para sa mga single men na
katulad ko na naghahanap ng kanilang God's best “True Love”.
Pero before you find your
God's best ang una mong dapat gawin ay maging God's best, yes!
You need to be POGI man of
God, you need to prepare yourself!
Gusto kitang bigyan ng
konting preview anu ba yung meaning pagiging POGI.
According to Ardy Roberto ang
pagiging POGI ay , Purity ,
Obedience , Gentleness and Intensity yang apat na yan ang dapat mong
gawin so that you can attract your God best in your life kung single ka pa
ngayon.
PURITY
Living a Chaste life! eto
yung abstinence from S.E.X =) kayang kaya mo yan!
TRUE MAN is a CHASTE MAN!
TRUE MAN is a CHASTE MAN!
Dun natin masusukat ang tunay na
pagka-lalaki!
To practice SELF-CONTROL
especially before you get married to a right woman at bago mo gawin yun let’s
fix this issue first because MARRIAGE is a great blessing from God and it is
HOLY and SACRED.
Pero kung hindi ka prepared and
you don’t practice abstinence at wala kang self-control, that blessing can
become a CURSE at nakikita naman natin yan sa ibang marriage mga bro and we
don’t want that.
Ang totoong lalake marunong
rumespeto sa babae :) kung mahal mo yan dapat marunong kang maghintay hanggang
sa "masakal ka", ah este! ikasal kayo =)
OBEDIENCE
Ang real man ay marunong sumunod
sa Diyos at sa magulang at sa nakatataas sa kanya, hindi pasaway at matigas ang
ulo.
Marunong sumunod kay Lord,
simple lang naman to, obey what Jesus taught us, to love and to be kind,
merciful and to be generous to others.
Marunong ding sumunod sa
magulang ang mga real men and they honor their parents so much especially their
mother, kasi if you don’t treat your mother right, how come that you can treat
your future wife right?
Marunong sumunod sa batas ang
mga real men and for example nagmamaneho ka at halos madaling araw na wala ng
masayadong bumabiyahe at wala na ding traffic enforcer and then habang
nagmamaneho ka biglang nag red light na, anong gagawin mo didiretso kapa rin ba
dahil wala naman mga pulis sa daan? Ang real men will always obey the law.
GENTLEMEN
Uso pa ba to sa panahon ngayon?
Aba dapat naman!
Kung wala ka ng nakikitang
lalake na ganito wag mo na sila gayahin at para ma attract mo yung right girl
for you dapat maging gentlemen ka at naniniwala ako with all of my heart kung
gusto mong makatagpo ng matinong babae dapat maging gentlemen ka.
Tayong mga lalake originally we
are design by God to protect our family and we should be gentle to them and we
should take care of them and not only our family but also outside our family
and we should treat other people right at maging magalang tayo, maamo, mabait,
maginoo, maasikaso, mabango, maalaga, mapagbigay ,matapang, mapagpasensiya.
INTENSITY
Ang real men ay dapat
aggressive!
Saan?
Siyempre sa pagmamahal at para
kay Lord, aggressive siya para mahalin ang pamilya niya at aggressive siya para
sa mga pangarap niya andun yung intensity niya palagi.
Real men are intense in their
desire to please Jesus. They are not approval addicts; they don’t seek the
approval of classmates, peers or society. They don’t take fame or the popular
vote. They seek to do what is right, no matter what. Even if it cost them the
comfort of life according to Sir Ardy Roberto.
Siguro iniisip mo ngayon, “Teka
parang ang hirap naman palang maging real men!”tanung ko sayo brother do
you want to have a best life?
Do you want to have a happy
family and marriage?
Do you want to be satisfied and
live your life to the full?
Kung Yes ang sagot mo, BE THE
BEST and you will attract your God’s best!
Naniniwala kase ako sa
kasabihang to “Behind every successful man is strong woman”.
Do you want to find the right
woman? be the right man!
Binigyan na kita ng BOOK REVIEW
regarding “Real Men are POGI” and I highly recommend that you grab your own copy of
this book. This book is available in all leading bookstore at sobrang mura lang
ng librong to, less than 100 pesos lang and I know you can afford it pero yung
learning grabe pare marami kang matutunan.
Sobrang na bless kasi ako nung
nabasa ko to at marami talaga akong napulot na insights kaya im sure marami ka
rin mapupulot na aral sa librong to.
Ang daming single woman out
there na naghahanap at praying na
makilala na ang kanilang God’s best kaya anu pa ang hinihintay mo be a POGI Men
of God.
PS. Did This Help You? If so, I would greatly
appreciate it if you commented below and shared on Facebook
PS2. Are You Single? I have a very
strong recommendation: While you're single, grow your money. Be free from
debts. Invest for the future. And start a business! How? Click This Link To KnowHow.
"Together Towards Radical Change"
No comments:
Post a Comment