I'm on my way para sunduin ko my daughter. I rode in LRT 1 at that time I was so tired because I just came from Sunday church service and it was already 8pm at sobrang inaantok na talaga ako, so I decided to take a nap kasi malayo pa naman ang babaan ko.
Tapos nung pasarado na yung pinto ng LRT sa Carriedo station biglang may lalaking nagmamadaling tumayo tapos sumigaw “TEKA LANG!” yun pala nakatulog siya at hindi niya namalayan na nandoon na siya sa babaan niya pero hindi na siya umabot dahil tuluyan ng nagsara at umaandar ang train.
That time hindi ko napigilang mapailing at matawa ng konti (kahit medyo bad ang dating ko) kasi sa isip-isip ko kahit anung sigaw ng lalaking ito sa tren eh hindi niya ito mapipigilang sumara at umandar na parang jeep na pwede mong parahin kahit saan! Hehe
Nung time na yun parang napawi ang pagod ko dahil sa pangyayaring yun pati nga yung mga katabi ko sa tren natawa din sila. (^_^)
Pero after that, I realized something. I felt that God is teaching me a lesson right that moment and that important lesson is all about seeing an opportunity in front of us, seeing an open door.
I believed God is giving us an opportunity every day, whether in your finances, in your relationships, and in your health.
Katulad nung lalaki na nakatulog at hindi niya namalayan na andun na pala siya sa destinasyon niya at na-realize niya lang yun nung pasarado na yung pinto.
Merong mga opportunities sa buhay natin na hindi natin nakikita dahil nakapikit tayo, we don’t open our eyes at mare-realize na lang natin yun when that opportunity closes the door in front of us.
Hindi mo naman pwedeng sabihin sa buhay natin na “TEKA LANG!” dahil katulad ng LRT hindi hihinto ang buhay because life must go on at dadalhin ka nito sa susunod na station ng buhay mo.
That's why my strong recommendation is to always ask God for guidance and discernment so that you can see every day the opportunity in your eyes so you don’t regret anything in the end.
Minsan may mga bagay na binabalewala lang natin , hindi natin iniintindi dahil lagi lang ito nandyan; maybe ‘yung relationship mo or career mo or kalusugan mo , tapos pag nawala na sila dun mo lang ma- realize yung halaga nila sayo.
Kaya don’t be spiritually blind! Ask God to open your eyes every day and you will be surprised that you are totally blessed with all the blessings that God has bestowed in your life!
"Together Towards Radical Change"
PS. Did This Help You? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook
PS2.Thousands Of Regular Filipinos Are Starting To Create Prosperity & Abundance Thanks to This "Proven System" Click Here To Know How
No comments:
Post a Comment