Saturday, May 23, 2015

How To Sponsor More Downlines?


Kung katulad din kitang Network Marketer I'm sure you will agree with me na napaka-halaga na matutunan mo panu mag Sponsor.

Pero ang nagiging problema ng karamihang mga Networker hindi nila pinag-tutuunan ng pansin to at hindi sila nagbibigay ng time para matutunan ang proper sponsoring skills.

Once na nakasali na sila sa isang Network Marketing Company ang unang nasa isip nila ay kumita kagad at mag invite ng mga prospect sa office para mapasali sa kanilang Business.


Kaya anu ang nagiging resulta? Mostly lahat ng na-dadala nila ay puro "Negative" at lahat ng nadadala nila feeling nila gusto lang sila pagkakitaan.

Yun kase yung normal na reaksyon naten pag binebentahan tayo di ba?

Kahit ako yun din ang naging common perception ko nuon pag merong nagaalok saken ng kung anu anong product or business opportunity na gustong ipakita saken.

Nung naguumpisa pa lang ako sa aking Network Marketing business eh namimilit din ako ng mga tao para mapasali ko sa aking business.

Eh ang problema halos wala akong mapasali kahit madami na akong napapakitaan ng business ko.

Ang naging problema ko pala nuon mali mali yung mga nasasabi ko sa mga prospect na kinakausap ko sa office dahil hindi ko pa natutunan yung proper soponsoring skills na kelangan ko.

Sa ganitong industry it is so important to hit the right word sa mga taong kinakausap mo at hindi lang yung basta banat ka lang ng banat at umpisa pa lang ng conversation nyo gusto mo na kagad I close "anu join kana?" "Join kana sa team ko hindi mo to pagsisihan”, "Ay grabe pag sa team ka namen sumali power na power ka"

Get my point here?

Sobra nakaka turn off ang ganung approach na napaka "Pushy" at likas sateng mga tao na ayaw naten na binebentahan tayo.

Ang problema ng karamhihang networker hindi na muna nila inaalam yung existing needs and problem ng mga kinakausap nila at nawawala din saten yung tamang posture bilang isang entrepreneur dahil wala yung right mindset on how to sponsor.

Isipin mo to, di ba dapat ikaw yung namimili ng mga taong gusto mong makasama sa business mo? Kase yung mga may ari ba ng mga malalaking company sila ba yung mga nag-hahabol sa mga nag a-apply ng work sa kanila?

Syempre hindi! Kaya nga may interview kase dun nila pinipili yung mga taong gusto nila maging part ng company nila.

As a Network Marketer and Entrepreneur eto dapat yung posture at mindset na meron tayo.

Kase nasa aten naman talaga ang alas eh at nasa aten ang opportunity para magbago yung buhay ng mga mapapasali mo sa Mlm Business mo, right?

So imbis na ikaw yung namimilit ng mga tao para sumali sa business mo di ba mas maganda kung ikaw yung namimili ng mga tao na gusto mo maging business partner? =)

Tuwing meron akong nakakausap na prospect ang ginagawa ko muna ay ini- interview ko muna sila at tinitignan ko muna kung tamang tao ba sila para sa business na to.

Unlike date na namimilit ako ng mga taong kinakausap ko at nagmumukha akong tanga kakahabol sa mga taong hindi naman interesado.

Ang una ko munang ginagawa ngayon.

I simply qualify them!

How?

By using the Probing Technique.

Anu yung probing? You will ask question first sa mga prospect mo, alam mo ba na very effective ang ganitong approach kase nadadala mo yung takbo ng usapan at ikaw yung may control ng conversation nyo and most importantly nakukuha mo din yung trust ng kausap mo kase nag-bibigay ka ng interest sa knaya eh, Hindi mo muna kase sya binebentahan.

Bigyan kita ng example ng mga script na ginagamit ko tuwing may kinakausap ako eto yung common na sinsabi ko.

"Hi, naghananap pala ako ng mga taong open minded at gusto matuto panu kumita ng additional income na hindi makakasagal sa trbaho mo ngayon pero I'm not sure kung pwede ka ba dito or qualified kaba sa team ko"

Anu yung napansin mo sa approach ko? Di ba hindi sya pushy dahil sa word na "I'm not sure kung pwede kaba dito"

So ang iisipin ng prospect posible na hindi sya mag qualify sa opportunity na gusto mong I offer sa kanya =)

So ang psychology behind that tataas yung curiosity ng taong kinakausap mo.

Anu yung posible na I reply sayo ng prospect mo pag sinabi mo yun?

Pwedeng , "Hindi ako interesado" or "anu yan bro baka pwede ako dyan?"

Pag sinabi nya hidni sya interesado simply reject them! Wag kanag mamimilit! =)

Dapat magkaron ka ng Abundance Mindset na alam mo na maraming tao dyan na magkaka interes sa inooffer mo.

pero pag nagbigay ng interes yung prospect mo ang next na pwede mong sabihin ay ganito.

"Ok, pero mero muna ako gustong itanung sayo para parehas naten malaman kung pwede kaba dito"

Ang posible na reply nya sayo dito ay, " sige anu yun?"

Tapos eto yung dapat mong sabihin "anu pala yung reason bakit gusto mo magstart ng business mo?"

Napaka-halaga na malaman mo yung BIG WHY ng prospect mo kase yan ang magiging alas mo to close him/her sa business mo.

Kase di ba , kaya ka nga na join sa Mlm Business mo dahil sa Big why mo right? =)

Kase yan ang mag momotivate saten to take action.


Ang goal mo ay mapalabas mo sa prospect ang big why nila, at panu mo malalaman ang big why nila?

Syempre pag something personal yung reason nila, pwedeng about family, pang tuition sa anak, para makatulong sa pamilya nila, pwedeng sariling pangrap nila sa buhay.

"Gusto ko mag start ng business kase gusto ko matulungan yung mga magulang ko"

Pag katulad neto ang narinig mo and most likely yun na yung big why nila and then mag ask ka lang ng follow up question.

Tanung mo yung sa work nila, kung sila ba yung bread winner ng family at ilan na anak nila, something like that, or kamusta na sya sa trabaho nya, etc.

Pero huwag dapat maiba yung usapan nyo, kase baka mauwi sa tsismisan yun hehe

Kaya ka nagtatanung ng mga follow up question is to build trust to them, then ang next mong sabihin pag na qualify mo na sila at nalaman mo na ren yung why nila at eto yung pwede mo sabihin

"Nagustuhan ko yung sinabi mo saken kanina , kung papakitaan ba kita ng isang business opportunity na pwede mong matulungan ang mga magulang mo magiging open ka ba?"

Syempre ang isasagot nyan kung talagang sincere sya sa big why nya ay, "Oo naman"

"Ok that's great! pwede ka ba this coming Wednesday or Friday para mapakita ko sayo ang business ko"

Ang next na dapat mong gawin is to set an appointment para mapakita mo na sa kanya ang business mo, I box mo na sya kagad, dapat ikaw yung namimili ng araw hindi sya.

Syempre pinapili mo sya kung wednesady ba or Friday sya pwede hindi mo na sya binigyan ng ibang option kaya mataas ang possibility na sumama sya sayo ng Wednesday or Friday, eto yung power ng box technique =)

Napaka importante din na ang piliin mong araw ay yung free ka at maluwag ang schedule mo kelangan in favor of you, at ang nagiging problema kase ng iba sila yung kino kontrol ng kausap nila eh =)

Entrepenuer ka at may ari ka ng company, tapos ikaw yung dindiktahan? =)

Dapat ang mindset mo "Kung ayaw mo eh d wag!" Hehe

Mabalik tayo, pag napili nya kunyare ay Friday at ang next na gagawin mo ay papiliin mo sya ng preferred time na gusto nya and usually yung oras ng business orientation ng company nyo,

Tanung mo, "anu oras preferred time mo 1pm, 4pm, or 7pm?"

Pag sinabi nya 4pm, "Ok, let's meet on Friday 4pm at (saang place kayo magkikita)"

Prospect: "okey cge kita tayo"

Ikaw: "sya nga pala incase na hindi ka matuloy ng ganung araw pwede mo ba ako inform agad kase maraming gusto makakakita ng business na to mina maximize ko kase oras ko"

Pag sinabi mo yung script na to mataas yung chances na mahiya ang prospect mo sayo at hindi kana ren ma-Indian! Hehe

Kase iisipin ng kausap mo na mahalaga sayo ang oras at seryoso ka sa usapan nyo kase pinapahalagahan mo yung oras mo.

So pag nagkita na kayo ang taas na ng chance na mapa- join mo sya sa business mo kase una sa lahat nagbigay sya ng interest at nalaman mo ren ang big why nya.

I hope na nakatulong sayo tong sponsoring technique na shinare ko sayo ngayon and I hope ma apply mo to kagad sa mga magiging prospect mo.

Kung gusto mo pang ma-improve yung sponsoring skills mo pwede mo ren aralin yung 2 e-Book na inaral ko kung saan natutunan ko yung mga effective sponsoring technique and how to answer your prospect objections.

Eto yung 2 ebook na inaral ko.










"Together Towards Radical Change"










PS. Did This Help You? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook

No comments:

Post a Comment