Friday, May 22, 2015

What are the 2 Kinds of Debts?


Debt , sa tagalong “Utang” , eto yung PINAKA problema at saket ng maraming pinoy at dahil hindi magkasya ang ka-karampot na sweldo napipilitan ang maraming pinoy na mangutang ,Loan dito loan duon, 5-6 dito 5-6 duon at pud pod na pud pod na ang credit card kaka swipe, pate nga ATM ngayon may value na sa sanlaan!

Na-kakalungkot pa neto na yung halos lahat ng karamihan na may utang eh nagkabaon baon na at hindi na sila makaalis sa utang nila, para na silang nasintensyahan ng pagkabilango ng pang-habang buhay.

Hindi ko to sinasabi sayo dahil sa gusto ko maging “negative” , hindi yun ang purpose ko bakit ko to sinusulat ngayon, pero gusto ko lang maging “Realistic” na eto talaga ang saket nateng mga pinoy, kung pwede nga lang ilagay sa top 10 disease ng DOH to eh =)

Kase nagiging cycle na to ng pamilya at dahil hindi na nabayaran ng magulang yung mga utang napapasa nila at napapamana nila to sa kanilang mga anak, sad story pero marami ako narinig at nakita na ganito ang sitwasyon.

Isa sa nakikita kong dahilan bakit common sa mga pinoy ang mangutang ay dahil walang “Financial Literacy” hindi nila alam paanu hawakan ang pera nila.

Warren Buffet always says this, “If you cannot control your emotion, you cannot control your money”

Pero alam mo hindi lahat ng UTANG ay masama, yes hindi lahat!

May tinatawag kaseng Good Debts at Bad Debts, kung ngayon mo lang to narinig eh gusto kitang bigyan ng konting information about this.

Bad Debts

Eto yung mangungutang ka dahil sa “Luho mo”, mangungutang ka dahil pambibili mo ng damet, gadgets, cars, para lang makasabay ka sa mga ka tropa mo =)

Alam ko marami ang tatamaan dito , pero ispin mo, sa tingin mo ba magandang desisyon na mangutang ka dahil sa gusto mong bumili ng bagong I Phone? =)

I'm not saying mali bumili ng ganyang bagay, yes bumili ka nyan if you can afford it and as long as hindi mo gagamitin pambili eh galling sa utang!

It is a worst decision if you will use your debts to buy liabilities!

Talagang mababaon ka sa utang nyan kapatid!

So anu ang pinaka Wise decision na pwede mong gawin?

Having Good Debts!

Good Debts

Eto yung mangungutang ka to buy an ASSET!

Ang Asset eto yung magpapasok sayo ng pera para pambayad ng utang mo and to increase your cash flow!

Eto yung Debts na ginagamit ng mga Entrepreneur to expand their business and to buy investment and properties!

They will use other people’s money to increase their wealth!

Ibang klase noh! Yan ang ginawa nila Henry Sy bakit sila patuloy na yumayaman!

Hindi lahat ng Debts ay “negative”, dahil kung gagamitin mo sa maayos yan malaki matutulong nyan for you to achieve Financial Freedom!



Recently kakatapos ko lang basahin yung Free eBook na pinamigay ni Robert Kiyosaki “Freedom from bad Debts” and i learn a lot from all the nuggets of wisdom that has been shared by Robert Kiyosaki.

I'm sure you will also be bless  from all the information na matutunan mo dito.




I pray that God will free you from all of your debt and may God give you the way towards your financial freedom!


"Together Towards Radical Change"












PS. Did This Help You? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook


PS2. Are You Single?  I have a very strong recommendation: While you're single, grow your money.  Be free from debts.  Invest for the future.  And start a business!  How? Click This Link To KnowHow.


No comments:

Post a Comment