I’m sure nakasakay kana ng bus sa tanang buhay mo at tuwing sasakay tayo ng bus eh I’m sure
merong isang napaka sipag na conductor ng bus na sumisigaw para magtawag ng
pasahero.
Every bus stop makikita mo yung sigasig ng mga conductor para sumakay
yung mga pasahero sa kanila pagandahan at pagalingan sila ng boses di ba? Hehe
Tapos pag nakasakay na yung mga pasahero dun na sila magsisimulang mag
ikot at maningil ng pamasahe at bilib na bilib talaga ako sa mga taong to.
Nung pauwi nako galling church sunday service usually I ride a bus kase
taga cavite ako , ewan ko bigla na lang na shift ang attention ko dun kay
manong conductor at pinagmamasdan ko yung ginagawa nya.
HEY! Let me clarify this! Hindi ko first time makakita ng conductor ah??
Haha , ewan ko ba nung time na yun bigla na lang nakuha yung attention ko ng
conductor ng bus na sinakyan ko.
Para kase syang may calculator sa ulo ang bilis nya kaseng magbigay ng
ticket, at bilib na bilib ako sa kanya kase alam mo yun kahet hindi nakatingin
sa ticket eh sakto yung yung number na binubutas nya para sa rate ng pamasahe.
Minsan nga no look pa habang nagtatanung sya sa pasahero kung saan sila,
hay grabe sa tagal kong sumsakay ng bus ngayon ko lang na realize yung art ng
ginagawa nila!
Kung tutuusin mahirap yung ginagawa nila eh kase kung ako gagawa nun? Ay
malamang magbabaan ang pasahero sa sobrang tagal kong magbigay ng ticket!
Baka nasa last station na ang bus andun pa ren ako sa bandang unahan ng
bus! (^_^)
Pero I’m sure nung naguumpisa sila hindi sila ganun kagaling and I’m
sure na nagkamali din sila ng maraming beses bago nila nakuha yung excellence
na yun para maging isang effective na conductor.
Baket ko to kinukwento sayo?
Alam mo marami saten pag nag-simula ng isang bagay maybe it’s a business
venture, maybe it’s a job or maybe related sa health mo and in your
relationship sa umpisa I’m sure may mga struggle kang pag dadaanan right?
Most people are good
starter but bad finisher! Marami saten pag nagkamali na at nahirapan na ay susuko na
at bibitawan na yung ginagawa nila
Ayaw na nila kase nahirapan na sila, alam mo na-realize ko in life for
you to become successful you have to be a good finisher and you need to hold on
at kapag may sinimulan kana tapusin mo!
Try and try until you
succeed, when you fall, stand up, try and try hanggang maging expert at master
ka sa ginagawa mo!
Dahel the mother of all learning
are repetition! Pag paulit ulit mo ng ginagawa ang isang bagay papasok na yan
sa iyong habit at magiging automatic na lang sayo lahat na akala mo na mahirap
ay magiging madali na lang sayo.
Katulad ng pagawa ko ng blogs and article alam mo ba nung naguumpisa pa
lang ako eh sobrang nahihirapan talaga ako at hindi ko alam anu ba yung ga
article na gagawen ko at panu ko sisimulan.
Pero anu ang ginawa ko? I try and try and try! Until pumasok na sya sa
system ko at naging habit ko na sya at alam mo yun bigla na lang merong
pumapasok na idea sa utak ko and I started writing it.
Kaya nga ako nakagawa ng article tungkol sa mga conductor eh kase
sobrang nabilib talaga ako sa husay nila sa ginagawa nila and I really honor
them because it is a noble job!
Maybe nahihirapan ka ngayon sa ginagawa mo at hindi mo na alam gagawin
mo, I want to encourage you at gusto ko sabihin sayo na okey lang yan!
Ganyan lang talaga sa umpisa kaya tuloy tuloy ka lang because I believe
in you and with God’s grace you will achieve your dreams basta wag ka lang
susuko!
"Together Towards Radical Change"
PS. Did This Help You? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook
PS2. Join us How to Make Millions in the Internet, To start you right in your journey to your own financial freedom, Click Here NOW!
No comments:
Post a Comment